Blogger Template by Blogcrowds

Garnet!

//this is the first post in a series addressed to my former and current sections...



hello! musta na? okay pa ba ang buhay? well... wala lang.

miss ko na ang garnet.

miss ko na yung mga earth sci classes natin, kung saan kasama ko si arianne... tapos, every lunch, kasama ko pa sina gippo at raffy. palagi kaming nasa 'farthest gazebo.' kasama pa namin si myk nun. tapos, sometimes, kasama kong magcommute pauwi sina gippo at raffy. sasamahan ko sila hanggang quezon ave, at minsan kumakain rin kami sa mcdo panay ave.

minsan, nagwawalkout-tayo sa english, kasi, yun nga, si sir ayende kasi. hehe. tapos nagbibigay pa siya ng mga kwento kung bakit hindi siya dumarating. naaalala ko pa yung IS natin, kung saan most of the time nakakatulog yung mga ka-table ko. hehe. tapos, yung mga list of terms pa na pinapahanap ni ma'am cristobal... having tech prep with sir javert, who eventually turned out to be our batch adviser... yung mga 3 or so teachers natin sa com sci - si ma'am lumanta, na pumunta sa japan, tapos si sir anton sepulveda, tapos si ma'am lody trajano, taga-MIS.

pero sinong makalilimot ng sayaw thing natin kung saan nagsuot kami ng duster? para sa valentines day ata yung thing na iyon. well, kahit na nakakahiya siya (in a fun way naman) medyo memorable pa rin sa akin yun. masaya naman yun eh. sana hindi natin makalimutan.

so, yun nga. sana pwede akong sumama sa garnet outing sa baguio. mukha namang papayagan ako... sana... kasi yun na yung last time na magkakasama tayo ulit. pero oh well.

sana mag-graduate tayo lahat. well, para kay myk at jamaica, sana mag-graduate rin sila sa mga school nila. alam ko na magkikita-kita tayo ulit, kahit na iba-iba ang tatahakin nating landas... so... don't worry... cheer up. malapit na matapos ang mga paghihirap natin sa fourth year, and pagkatapos nun, may time pa tayo para ma-enjoy ang isa't-isa. pero yun nga, sana naasikaso yung mga requirements para naman mag-graduate. hehe.

good luck sa ating lahat.

...hindi na tayo close, katulad ng dati, pero hindi ako ever nagsisi na garnet ako. masaya ako na kayo ang naging kasama ko, para naman maka-adjust ako sa pisay life. para naman hindi ako mag-loner or something. sorry dun sa mga nahurt ko, or kung ever may "kagalit" ako, or kung may kinaiinisan kayo sa akin... masaya ako na nakasama ko kayo. sana ganun rin ang naramdaman niyo.

-PM
Garnet-11

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home