Blogger Template by Blogcrowds

Sampa!

well...

special ang sampa sa akin. naalala ko pa nung first day ko, kung saan ang mga kakilala ko lang ay ang mga dati kong kaklase sa garnet. tapos, yun, kilala ko rin ng onti si tobit... not as a person, pero, well, sa mga achievements niya and stuff... tapos, nakilala ko rin si kim nun, dun sa activity kung saan pinapadescribe sayo yung seatmate mo. first day yun. hehe... sabi ko monkey siya... tapos sabi niya gorilla ako... well, hindi ko pa siya kilala nun.

usually, ang kasama ko sa sampa noon ay si serl, when he was less emotional. naalala ko yung group namin sa bio, kasama namin si jepoy. may dalawang teachers tayo for bio - yung mga advisers natin... hindi ko na naaalala kung paano magturo si ma'am cardenas... pero alam kong mahirap yung mga long tests niya... tapos si ma'am cheng naman, gumagamit ng mga illustrations sa acetate. pero hindi rin madali ang mga long test ni ma'am cheng... basta, nagustuhan ko ang bio. at yun nga pala... magkahawig sina ma'am cardenas at karina... hehe... para hindi makalimutan.

ang chem naman natin... si sir montales! masaya ang chem. sobra. medyo nag-alinlangan nga ako nung puro stoich yung topics natin eh. but when it came to quantum mechanics, periodic table and stuff... well... siguro dun ako nakilalang chem nerd. hehe. wah, ang lame ko pala mag-vanity mode. pero nag-enjoy ako talaga sa chem. naalala ko pa nung nagreport kami dun sa d-block elements... basta naalala ko, kasama ko dun sina kim at joel... may en sci pa, kung saan palagi akong natataasan ni jason somehow... no offense... hehe. pero yun nga, medyo special si ma'am andaya kasi siya yung kasama namin sa bangkok at montreal...

pero sa physics naman... hindi ako mahilig sa optics, pero mas naganahan ako nung light and EM waves na yung topic. and whenever i would get bored and/or sleepy, kakausapin ko yung mga taong nasa harap ko... sina kat at kim ata... naaalala ko pa yung pagddrawing ng water waves and stuff... tapos, snell's law, real images... etc.. hehe... fun times.

sa pehm... well... masaya naman ang PE... sir duliesco yun eh. miss ko na yung softball, at siguro basket, swimming na rin... masaya ang PE... kahit na nahihirapan ako sa mga sports minsan... tapos health... dun ko nakilala si ma'am balangue... na magiging adviser ko sa third year... tapos katabi ko pa sina kim at tobit nun... tapos music. wah, miss ko na rin yun. i'll get back to that later. naaalala ko pa rin yung pagpunta natin mula sa en sci papunta sa music. tapos math 3 to PE.

speaking of math... nasayahan rin ako sa mga math natin, kahit barely passing lang ako. dun ko natabihan si tobit... well... if that helped... well, of course masaya ang geom. si ma'am yu'hico yun eh. tapos, si ma'am orate naman... well... yung batch adviser natin. who can forget using the fishball method to make tusok-tusok the fishball? hehe.

meron pa tayong soc sci... well, alam niyo naman na si sir job... at ang kanyang... style of teaching.... tapos si ma'am anda pa, with all the val ed movies... tapos si ma'am allegria, sa art 2... miss ko na rin yun... malamig sa art room... ehehe... tapos Com Sci pa! Si sir javier... well... dun ako nagkaroon ng interest sa programming. and the rest is history.

masaya talaga ang sampa.

masaya ako na naging malapit tayo dahil kadalasang magkakasama tayong kumain. kahit dun sa sampa room, before art, o kaya naman sa caf or sa may gazebo, palagi tayong magkasama sa isang lugar. hindi ko kailangang mamroblema kung saan ako kakain kasi sigurado akong may pwesto ako kung saan pwede ako kumain. mahalaga talaga na, kahit for a few minutes lang araw-araw, na magkasama tayo.

hindi lang yun. malapit ang sampa sa akin kasi kayo ang kasama ko sa mga pagdurusa sa class requirements. dun sa katutubong sayaw, at sa paskorus... well... basta... special sa akin yun.

and, well, most of all, kasi sa sampa ko nakilala yung mga kaibigan at barkada ko ngayon. sana nga na nakilala ko kayo ng mas maaga, para mas marami akong time na naspend kasama niyo.

good luck sa ating lahat! sana mag-graduate tayo, at para kay carlo, dyane at neil, sana mag-graduate rin kayo. sigurado akong magkikita tayo ulit... if we want to see each other again, we would do everything to do so... so there is no reason to be sad. if anything, look forward to meeting new people and rediscovering other people, and making new friends, and keeping old friends.

thanks for the memories. i'll never forget them... they are important to me... i'll always treasure them...:D

I wish i could be sarcastic somehow... yun naman yung pagkakakilala nyo sa akin eh... oh well... hehe... i'll be sarcastic to be fun, and i'll try not too get carried away.

salamat sa mga kasama ko sa sampa octet/quartet... masaya ako na nakasama ko kayong kumanta. and i'm glad have friends in you. thank you for everything.

-PM
Sampa-7

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home